Category Archives: Profile

‘Pitong bagay sa buhay na natutunan ko sa U.P’ by PROF. RYAN CAYABYAB

Ipinadala ito sa akin ng dati kong editor noong 2006. Masarap itong basahin ng paulit-ulit dahil sa mga aral na ibinahagi ni Mr. Ryan Cayabyab mula sa kanyang personal na karanasan.

‘Pitong bagay sa buhay na natutunan ko sa U.P’
by PROF. RYAN CAYABYAB
(Commencement speech given on April 24 before the Class of 2005)

Maraming salamat po, magandang hapon po sa inyong lahat. UP President Emerlinda Roman, former presidents Jose Abueva and Noel Soriano, UP Diliman Chancellor Dr. Sergio Cao, the Board of Regents, U.P. faculty and administrative staff, co-professors from the College of Music, classmates from UP High 1970, fellow alumni, graduates, and friends:

Malugod kong binabati kayong mga nagsisipagtapos ngayong taong 2005. Isang karangalan ang pagtayo ko dito upang maghatid ng isang talumpati para sa inyo. Huwag kayong mag-alala, maiksi lamang ang aking sasabihin.
Kinikilala kong ako ay isang mamamayan ng UP. Unang nasilayan ng aking mga mata ang sinag ng araw sa Area 1, UP Campus, sa may likuran ng Infirmary, kung saan din nanirahan sina Wilfrido Ma. Guerrero, si NVM Gonzales, si Jovita Fuentes, si Jose Maceda, at ang mga Lansang, mga Manalang, mga Daza, Cailao, Lesaca, Estrada at marami pang ibang mga pioneering faculty members ng UP Diliman.

Ang nanay ko ay nagturo sa UP College of Music. Apat kaming magkakapatid na lumaki sa sariwang hangin ng Area 1, nanghuhuli ng tutubi at kuliglig sa araw, kulisap naman sa gabi. Diyes ang Coca-cola, singko ang Cosmos. Minsan sa isa o makalawang linggo, may dumaraang truck ng DDT (Dichlorodiphenyltrichloroethane) na nag-bubuga ng makapal na usok pampatay ng lamok na nagdudulot ng malaria. Lahat ng bata sa Area 1, at sa buong campus ay sinasalubong itong truck, at kung kaya lang naming magsiawit ng Haleluya noon ay ginawa na namin dahil para kami lahat nasa ulap, nagtatakbuhan, hinahabol at nilalanghap ang maputi at mabangong usok ng DDT truck. Napakasaya namin. Walang nagsabi sa amin na hindi lamang lamok ang pinapatay ng DDT. Ngayong malalaki na kami at nagbibiruan ang aming egroup na Area 1, napagkasunduan namin na dahil sa DDT na yan, bawat isa sa amin ay may bahid ng kabaliwan, depende sa dami ng nalanghap na DDT.

Marami kaming laro noon sa Area 1 patintero, tumbang preso, siyato, lastiko, gagamba, luksong tinik, step-no, habulan, taguan, teks at holen, na sa palagay ko ay sasabihin ninyong napakalow-tech kumpara sa mga laro ninyo nung kayo’y mga bata. Meron kaming mga sikretong tawagan, sipol at huni. Ang dami kong nais ikuwento tungkol sa aking pagkabata ngunit mauubos ang ating oras.

Nag-aral ako sa UP Elementary School at sa UP High School. Matagal na panahon ding diyes lamang ang bayad sa IKOT.
Saan pa ba ako magkokolehiyo kundi sa UP rin. Una akong pumasok bilang accounting major sa UP College of Business Administration. Sa kabutihang palad, nauntog ako at na-realize ko na ako ay hindi pala maalam sa pagbibilang ng pera.

Tinanggap ako at lumipat sa UP College of Music bilang isang piano major. Nauntog na naman ako at natanto ko na ako ay nagpapanggap lamang na isang Cecil Licad. Mabuti naman at tinanggap ako ng Department of Composition and Theory. Sa maniwala kayo’t hindi, tinapos ko itong kurso, Bachelor of Music Major in Composition suma suma-sampong taon bago ko nakuha ang aking diploma. Aba! Naniwala pa sila sa akin at kinuha akong guro. Dito ko nakilala ang isa kong estudiyanteng napakaganda na una kong naging barkada sa kainan at kantahan, nauwi rin sa simbahan. Halos dalawampung taon din ako nagturo sa UP College of Music.

Wala pang tatlong taon na ako ay nagbitiw bilang isang assistant professor; akala ko’y doon na ang katapusan ng aking koneksyon sa UP. Hindi pala, dahil ngayon ang aking panganay ay kasalukuyang isang university scholar sa College of Music.

Mababaw at maikling kasaysayan lamang ito. Gayon pa man, kasaysayan pa rin. Para sa akin, napakahalaga ng aking nakalipas at ito ay lagi kong babalik-balikan. Habang ako ay papalayo ng papalayo sa aking pinanggalingan, palalim nang palalim ang mga ugat na aking tinatanim, sinisiguro ko lamang na hindi ako maitutumba ng kahit ano mang malakas na bagyo o delubyo na sa buhay ko ay sasapit.

Ngayon, nakita n’yo kung bakit napaka-halaga ng UP sa aking buhay, sana ay maging sa inyo rin. Kahit hindi nyo na nasisilayan ang oblation, at hindi na naririnig ang karilyon, nawa’y nasa puso at isipan lagi ang paaralang kumupkop at nagpalawak ng isip ng bawat isa sa inyo.

Naituro na lahat ng maituturo sa inyo ng inyong mga guro. Alam naman natin na ang bawa’t isa sa atin ay may natatanging angking galing. Walang halaga ito kung hindi ninyo gagamitin para sa ikabubuti at ikauunlad ng inyong komunidad, ng inyong pamilya at ng buong sambayanan. Itanghal ninyo ang inyong pagiging Pilipino na nag-aral sa U.P. kahit saan kayo mapadpad.

Meron lang akong dagdag na pabaon sa inyo para lalong di nyo malimutan, ang UP nating mahal. Ito ang pitong mga bagay-bagay tungkol sa buhay na natutunan ko sa U.P.:

1. Ang buhay ay parang IKOT jeep. Ang iyong patutunguhan ay siya ring iyong pinanggalingan.
2. U.P. lang ang may TOKI, sa buhay wala nito. Pero nasasaiyo na yon kung nais mong pabaligtad ang takbo ng buhay mo.
3. Sa IKOT, puede kang magkamali ng baba kahit ilang beses, sasakay ka lang uli. Sa buhay, kapag paikot-ikot ka na at laging mali pa rin ang iyong baba, naku, may sayad ka.
4. Sa U.P., lahat tayo magaling. Aminin nating lahat na tayo’y magagaling. Ang problema dun, lahat tayo magaling!
5. Kung sa U.P. ay sipsip ka na, siguradong paglabas mo, sipsip ka pa rin.
6. Sa U.P., tulad sa buhay, ang babae at ang lalake, at lahat ng nasa gitna, ay patas, walang pinagkaiba sa dunong, sa talino, sa pagmamalasakit, sa kalawakan ng isipan, sa pag-iibigan; at kahit na rin sa kabaliwan, sa kalokohan at sa katarantaduhan.
At ang panghuli:
7. Sa U.P. tulad sa buhay, bawal ang overstaying.

Maraming salamat po!

Mayroon pa akong isang huling pabaon, galing sa puso ko – para rin sa mga puso ninyo, ito ang napili kong paraan upang maisalarawan ang tema ngayong hapon: ”Angking Galing Para sa Sambayanan”. Ito ay isang awiting nilikha ko at ng aking kakaklase sa high school na nagtapos din ng kolehiyo sa U.P., aking musika sa titik ni Ome Candazo, sa tulong ng mga kaibigan ko sa San Miguel Master Chorale at San Miguel Philharmonic Orchestra na pawang mga alumni ng U.P.

‘Hala…ginawang concert ang speech!’

“Salamat sa ‘Yo, UP”

Sa ‘yo UP maraming salamat
Ikaw na aking tahanan
Mula sa aking pagkamulat
Hanggang sa aking huling hininga

Sa ‘yo UP maraming salamat
Ang iyong mga aral ang aking gabay
Baon ko ito sa paglalakbay
Hanggang mapanaw ang buhay

Kami’y lumaki sa iyong pag- iingat
Natutong mag aral, natutong magsaya
Dulot mo ay init tuwing kami ay nagiginaw
Sa lahat ng panahon bigay mo’y pagasa

Sa ‘yo UP maraming salamat
Ang iyong mga aral ang aking gabay
Baon ko ito sa paglalakbay
Hanggang mapanaw ang buhay

A priest’s take on blood donation

blood donor

For nearly two decades, Father Bobby Olaguer regularly donates blood to government and private hospitals at least twice a year. It has been his commitment since his younger brother died of leukemia more than 20 years ago.

The 60-something chaplain of the New Bilibid Prison (NBP) and the parish priest of Ina ng Awa Parish in Muntinlupa City said donating blood has become his way of life.

“My first blood recipient was my brother who was then confined in a hospital due to leukemia. He passed away in 1984. Since then I really go out of my way to donate blood whenever a relative or friend needs them,” he told Life Lessons.

Fr. Bob, who only takes a carbonated drink after every blood extraction and drives home after an hour of rest, said he’d probably donated three to four gallons of blood.

Naka-center ang mass sa Eucharist, which is blood…and blood donation extends life,” he said.

Fr. Bob intends to donate blood for as long as he is capable of helping other people.

“This is the greatest act performed by Jesus Christ figuratively, literally and sacramentally,” he said.

June 14 is World Blood Donor Day.

A Mom’s Unsung Lullaby

A true story.

From time to time, Myra, an executive in a public relations firm, would light a candle and say a prayer for the baby she had killed, the one who will never hear the lullaby because she aborted the child.

“Pinalaki ako ng nanay at mga kamag-anak ko na may takot sa Diyos. Pero kapag dumating pala ang pagkakataon na kailangan mong mamili between your virtue and your happiness, hindi mo masasabing malinis ka o magiging malinis ka all your life,” Myra said as she bared a painful facet of her life.

The thought of aborting the throbbing life inside her womb was far from Myra’s mind until her boyfriend threatened to end the blossoming relationship between them if she persisted on keeping her baby.

It was 1991, and Myra was 21 then and new in the PR firm after graduating from a journalism course. It was fear that made her take what she describes as the turning point in her life.

Still, it took a month for her to decide whether to keep or abort the two-month-old life she was carrying.

“Hindi ako makakain, nahihirapan akong makatulog, halos hindi na nga ako makapagtrabaho, ang tagal kong pinag-isipan kung susundin ko ang boyfriend ko,” she recounted.

She was too afraid to be dumped by the man — she only identified him as “Mario” — whom she thought would marry her someday, and of the responsibility that goes with raising a child alone.

“Wala akong option noon eh,” she said, “natatakot akong iwanan ng boyfriend ko. I was just starting with my career in public relations, hindi ko ma-forsee ang sarili ko na maging single parent kagaya ng nanay ko.”

Myra was trembling when she and Mario arrived at the abortionist’s house-cum-clinic somewhere in Tondo, Manila, one morning sometime in November 1991.

(omitted a graphic description here)

After about an hour, Myra said, she emerged from the small room and felt as if nothing had happened.

“Pinipilit ko na paniwalain ang sarili ko na okay na ang lahat. Tapos na wala na kaming problema ni Mario. Sabi ko sa sarili ko, bata pa naman ako at puwede pa kaming magka-baby kapag pareho na kaming handa,” she said.

Although tormented by guilt and misgivings, Myra decided to live with Mario without the sacrament of marriage for four years. But she promised herself not to have another abortion.

Myra admitted doing her tamer version of abortion for three or four times within the course of her relationship with Mario. But she had lost her peace of mind. Her conscience bothered her when she was alone. She felt so depressed that almost always broke down.

Her emotional upheaval slowly took its toll on the relationship she had once valued over the life of her first child.

“Indirectly, nagkaroon ng effect sa akin ang pagpapa-abort ko. Kapag nag-aaway kami, naiisip ko na he’s not worth my sacrifices. Lalo akong nade-depress,” said Myra, who finally found the will to severe her relationship with Mario.

After that harrowing experience, Myra is now a picture of a contented and happy woman. She is thankful that she did not end up marrying her former boyfriend.

“Mabuti na nga na hindi kami nagkatuluyan, baka hanggang ngayon wala pa akong anak, hindi pa ako kasal at miserable pa rin ang buhay ko sa piling niya,” she said.

A year after she broke up with Mario, she met the man who would marry her and give her two beautiful daughters. But the physical and emotional scars from the abortion will always remain to remind her of her indiscretion.

“Kung itinuloy ko ‘yung bata, 10 years old na ngayon ‘yun. Ipinagdarasal ko na lang ang kaluluwa niya, at ibinubuhos ko ang pagmamahal na ipinagkait ko sa kanya sa mga anak ko ngayon,” Myra said.

Written by yours truly for People’s Tonight (Feb. 20, 2002)